Bayaning Pulis sa gitna ng Kalamidad
Hindi matatawaran ang pinakita ng ating Kapulisan sa pagtulong sa gitna ng kalamidad
Ipinamalas ng dalawang Pulis na sina Pat. Bangayan at Pat. Jayrick Talosig ang kabayanihan sa kasagsagan ng rescue operations sa mga apektado ng pagbaha sa Cagayan at Isabela.
Sa flagraising, November 16, 2020 ay ginawaran ng Medalya ng Kasanayan o PNP Efficiency Medal si Pat. Brayan Bangayan dahil sa pagsagip at pagpapaanak nito sa isang ginang bunsod sa patuloy na pagtaas ng tubig sa lunsod ng Tuguegarao.
Binigyan din si Pat. Jayrick Talosig ng Medalya ng Kadakilaan, makaraang mailigtas ang dalawang lalaki sa lungsod ng Ilagan, sa Isabela matapos tangayin ng malakas na agos ng tubig-baha.
Comments
Post a Comment